FAMILY DAY IN LAGUNA
Martin and Yen moved to Laguna this week. Almost 3 months din kaming hindi nagkita-kita kaya when my sister-in-law told me na pupunta sina mama at papa and her family sa bahay nila, gora talaga ako! Sakto father's day bukas. Napasugod tuloy ako sa supermarket kahapon para bumili ng mga ingredients for my chicken biryani and Spanish Sardines pasta.
Hindi checkpoint ang sumalubong samin pababa ng Tagaytay kanina kundi ulan. Sarap ng weather!











Ang daming food kanina, sarap kumain. May tinumis, cinnamon rolls, chicken adobo, spicy chicken neck, and cheesy chicken fingers. May pa-dragon fruit pa sina mama. Yuuuuuum!
May cakes din for papa and tito dada. Happy Father's Day!!!!!! “ヽ(´▽`)ノ”

After namin kumain, nag Moscato wine kami. Eng shereeeeep. ヾ(-_- )ゞ

Nagtanim sina papa sa likod ng bahay nina Martin ng kung anu-ano. Bongga ang green thumb ni papa unlike me. Pag sya ang nagtanim, malulusog at namumunga ng madami. Binigyan nya din kami ni Cy ng isang paso ng Serpentina and Oregano. Salamat, pa!

Ang cute ng pusa nila, si bunso, kahit ang sungit nya sakin. Ang lambot-lambot tapos parang pastel ung kulay nya. Kagigil!

Andun din si tamtam kulit. Gusto ko sana sya hiramin kaso wala ng kasama sina mama at papa sa bahay kasi nga sa Laguna na nag-stay sina Martin and Yen. Na-imagine ko na uuwi si mama from work na walang sasalubong na tamtam, baka malungkot sya. Hehehe.

Si papa naman daw masyadong friendly sa mga neighbors. Kung sinu-sino na nakaka-chikahan. =))

Nag-uwi kami ng sliced cakes. Binigyan din ako ni Yen ng all-purpose Kurin water. Na-mention ko kasi sa kanya na gusto ko din itry ung ganung brand kasi super effective nga daw, green, and safe. Thank you sooooo muuch! (´ ͡༎ຶ ͜ʖ ͡༎ຶ )

Gusto ko pa sanang magpa-picture kay papa kaya lang natagalan akong mag-ayos ng gamit. Pag labas ko nakasakay na sya ng kotse kaya ayan. Bitbit ko pa ung takeout kong sliced cakes sa plato. lol.

Nakabili ako ng milk tea sa Chubby Monkey on our way home.

I'm really thankful that they're all doing well. Sa uulitin! :)
Comments
Post a Comment