GROCERY SHOPPING DURING GENERAL COMMUNITY QUARANTINE

Grocery day! Kumuha kami ng bagong Quarantine Pass sa brgy hall under my name. Unlike nung ECQ, once a week nalang ako pwedeng lumabas ng barangay namin para pumunta sa supermarket at palengke. Mas naging strict ngayong GCQ or General Community Quarantine which is good para ma-regulate ang mga taong nalabas ng bahay. My husband also got his work pass.

Parang normal na ulit. Madami ng mga tao at sasakyan sa daan. Most establishments are now open. May takip nga lang na plastic ung mga checkout counters to prevent infections between customers and business owners or employees.


Pumunta muna kami sa Tagaytay City Market para bumili ng cat food. Dun na rin ako bumili ng isda. Nakabili din ako ng paborita, ung biscuits na masarap isawsaw sa kape. Kapeng barako pa naman iniinom namin sa bahay. Yuuuum!


Dati kelangan lang ma-check ang body temperature at mag-disinfect ng kamay before pumasok sa grocery store, pero kanina required din i-present ang Quarantine Pass with a valid ID. 

At may alcohol na! 


Nag-tagal ako sa grocery store kakaisip kung worth it ba na bumili pa ako ng ingredients for potato croquettes or mag-tinapay nalang muna kami with palaman tuwing merienda. Meron pa naman kaming peanut butter, cheese spread, and coco jam sa ref. Bumili din ako ng spreadable butter. Meron din akong pork siomai, mantou, and fries sa freezer. Ubusin ko na muna sila bago ako mag-isip ng kung anu-ano.

Sa Mahogany Market naman ako namili ng mga gulay. Bumili din ako ng fruits like avocado and ripe mangoes. 

Gumawa ako ng avocado toast pag-uwi. I mashed the avocado then added chopped onion, Spanish paprika, salt, and pepper. Akala ko hindi sya magugustuhan ni Cy, pero masarap daw. Buti naman. Natutuwa ako kapag healthy kinakain nya.


We bought ice creams sa ministop para un ang dessert namin sa bahay. Yuuuum!


Nag-luto ako ng pork sinigang for dinner. Napa-dami na naman ang kain ni Cy.

Good night! :)

Comments

Popular Posts