LUMABAS KAMI PARA PUMUNTA SA KOREAN GROCERY STORE
ECQ DAY 30
Pumunta na naman kami sa palengke at supermarket kanina kasi paubos na ung cat food tsaka wala ng fries!
Halos wala ng sasakyan sa daan. Ang tahimik ng Tagaytay.
Dumiretso muna kami sa palengke para bumili ng cat food. Buti nalang available ung murang brand. Hindi naman namin intensyon ni Cy na magkaron ng pusa pero napamahal na samin si mother mingming at ung dalawa nyang anak na pinangalanan naming oreo (boy) at mocha (girl). Napa-kapon na namin si mingming tapos si mocha at oreo na sana ung sunod kaso inabutan na kami ng lockdown. Ung low-cost clinic sa General Trias hindi muna tumatangap ng for spay and neuter kaya goodluck kay mocha. Haaaaay. Sana isa lang maging anak nya if ever.
Dumaan din kami sa isang Korean grocery shop. Sana magkaron din ng Indian grocery store malapit samin. Bibili ako ng mga masala (mixture of ground spices), chapati, basmati rice, veggie samosa, etc.
Nakabili ako ng tteok-bokki or stir-fried rice cakes, toasted sesame seeds, metal spoon and chopsticks tsaka ziplock bags. Ung chopsticks ko kasi sa bahay gawa sa plastic tsaka masyadong mahaba. Dalawa nalang natira kaya binili ko na agad. Kapag noodles at pancit pagkain sa bahay ginagamitan ko ng chopsticks kasi parang mas sumasarap sya. Minsan ginagamit ko din un kapag kumakain ako ng chips para hindi greasy sa mga daliri.
Sa Robinsons Supermarket kami pumunta para mag-grocery pero wala akong nakitang frozen fries kaya lumipat kami sa Primark Town Center. Medyo kakaunti nalang ung tig-1 kilo na fries kaya kinuha ko na agad kahit may iba pa akong bibilhin.
Nakabili din ako ng pandesal, peanut butter, and coconut jam sa Pan de Manila.
Good night! :)






Comments
Post a Comment