ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE: DAY 29

Nagising ako ng medyo maaga kanina! 9:30 AM. Aga no? 

2 kilos nalang ung cat food na natitira kaya kelangan na namin ulit bumili ni Cy. Combination na nga ng cat and dog food yung pinapakain namin kasi naubos na ung mga cat food the last time na pumunta kaming palengke. Sana bukas meron na ulit.

Usually tanghalian na agad niluluto ko kasi nga halos lunch na kami bumabangon everyday pero kanina nagluto muna ako ng pancakes kasi napa-aga ako ng slight. Madali lang naman gawin ung pancakes kahit walang eggs. Hindi mo rin kelangan gumamit ng measuring cups basta add water and a little bit of oil sa pancake mix then yung texture nya dapat mag-spread sa pan. Dali diba? 

Nag-slice din ako ng apples para cute. Hindi fan ng pancakes si Cy pero ako, nagugustuhan ko na sya especially with pancake syrup kahit wala ng butter.


After ng breakfast namin namili ako ng mga gulay sa kapitbahay. Nagtayo sila ng maliit na palengke sa garage nila kaya lagi kaming may supply ng talong at patatas. Bumili na din ako ng carrots, sibuyas, tsaka bawang. Si Cy naman nagpabili sa kanila ng tahong kaya finally nakatikim ulit ako ng tahong.



Since malamig ang panahon, nagluto na naman ako ng spicy noodles then nag-prepare din ako ng buns na may peanut butter. Gagawa sana ako ng egg salad pero hindi ko talaga kayang kumain ng itlog! 

Sa balcony kami nag-merienda.



Nagpunta din mga in-laws ko sa palengke kanina tapos binilhan nila kami ng kapeng barako, labanos, iba't-ibang gulay tapos bumili din pala silang tahong sa palengke kaya ayan pati dinner namin tahong. Nagsawa tuloy ako bigla. Pero pramis ang sarap ng luto ng mother-in-law ko nyan. Talagang naparami lang kain ko kaya ayun... umay.


Nanood kami ng In the Shadow of the Moon after dinner. Dapat pala manood kami ng movie together kapag tapos na ung mga gawaing bahay ko at naka pang-tulog na para after movie pahinga na agad. 


Pupunta ulit kami sa supermarket bukas. Good night! :)

Comments

Popular Posts