ENCHANCED COMMUNITY QUARANTINE: DAY 37

ECQ DAY 37

Naisip ko gumawa ng egg salad since ang dami pang itlog na natira sa ref. I boiled some while preparing the ingredients for my ginataang labong. Nag-prito din ako ng isda para mas masarap ang kain. 




1 pm na kami nakapag-lunch kasi late kaming bumangon. hehehe.


After tanghalian, nag-coffee muna ako habang nanonood ng Modern Family on Netflix. Season 10 na ako! Sayang wala pang season 11, bitin na naman. Ano kayang isusunod ko? 


Matagal ko ng gustong hakutin at linisin ung cabinet sa ilalim ng kitchen sink namin kaya lang kapag naiisip ko na baka may lumabas na ipis, pinagpapaliban ko nalang. Naayos ko na lahat ng cabinets sa kusina, un nalang talaga ang natitira.  Si Cy ang naghakot ng lahat tapos sa balcony ko inayos.

Wala namang any surprises until may isang paper bag dun na may lamang mga baking pans ko na kinakalawang na. Akala ko isang ipis lang, un pala dun sila lahat nakatira. Naloka ako! Buti nalang talaga may pang-spray kami. Ayoko din kasi ng tinatapakan un, nakakadiri. Mga apat silang na-tegi. Yung mga may lamang boxes pinalipat ko na dun sa stockroom sa kabilang bahay. Ayoko ng magtago ng mga kung anu-anong hindi naman gagamitin kasi binabahayan lang ng mga pests. 

Buti nalang may nagtitinda ng halo-halo, nakapag-merienda ako saglit.


After ko malinis lahat, inayos ko na sa isang tray ung mga kitchen towels, spare liquid hand soap, and cleaning products.


Kelangan ko din i-store ung mga used paper bags sa cabinet kasi ginagamit ko sya sa basurahan namin na nasa ilalim din ng kitchen sink though hindi ako nagtatapon ng mga nabubulok dun or something na basa. May plastic container ako (yung sa ice creeam) kapag busy ako sa kusina. Dun ko muna nilalagay yung mga basurang nabubulok or basang plastic at papel then tinatapon ko sa basurahan sa balcony after.


May portable stove din kami kaya dun ko na din tinatago.


So yung mga na-mention ko lang ang natira sa ilalim ng kitchen sink plus ung dalawang jars na lalagyan ko ng kandila kapag walang ilaw tsaka isang box ng insecticide incense na effective!

Gabi ko na nagawa ung egg salad. Nilagyan ko sya ng Spanish paprika.




Inaantok na ako. Good night! :)

Comments

Popular Posts