MY FIRST PANIC-BUYING + NANAY ANDAY'S BIRTHDAY

This was supposed to be a regular grocery day for me. Kelangan ko lang talaga ng bigas, ground kapeng barako, cooking oil, lotion, etc. Kelangan ko lang din mamili sa palengke ng mga gulay at kung anu-ano. Tapos kahapon, nag-message si Ate Che from the venue na kelangan nga ng mga hand sanitizers at thermal scanner for safer gatherings kaya nag-decide kami ni Cy na mag-kasamang umalis ngayong araw para sabay-sabay na ung pamimili. Sumabay na din samin si MIL today.

Pumunta kami sa Robinsons Tagaytay para mamili ng alcohol/hand sanitizers. It's a Friday and usually, wala masyadong tao dito at mabilis makakita ng parking space, pero kanina ang daming sasakyang naghihintay makapag-park.



Nakarating pa kami ng Dasmarinas, Cavite para lang maghanap ng alcohol. Anyways, inabot na kami ng gutom kaya kumain muna kami sa Shakey's Pizza.

black seafood pasta

Nakabili kami ng maliliit na hand sanitizers sa AllHome, Silang. Parati naman akong may bitbit na hand sanitizer sa bag ko, pero kelangan ko na rin bumili agad ng kapalit para sure na sure. lol.

Sana ung mga contacts ni Cy may supplies na bukas.

Ang mahal. P100++ isa.

Yung thermal scanner, talagang waley. Kung san-san na kami naghanap at kung san-san na ako tumawag pero out of stock na talaga.

Pag-uwi namin, bumili ako ng halo-halo pero hindi ko pinalagyan ng evaporated milk. Pagdating ko sa bahay, nilagyan ko sya ng soya milk na binili ko sa grocery store kanina. Okay naman. Sanayan sa lasa. :)


Bale eto ung ibang napamili ko na wala sa listahan kasi baka nga kung anong surprises maganap sa mga susunod na araw at baka maubos bigla!

all-purpose cleaner, disinfectant spray, soaps

canned sardines, chickpeas and tortillas, veggie noodles, and pancit canton

medicines

Nanay Anday also celebrated her 81st birthday today. She's my husband's lola. Mother sya ni father-in-law ko.


Happy Birthday po! :)

Kainan na! 



Napagod ako ngayong araw na to. Matutulog na talaga ako pero manonood muna ako ng Modern Family habang nakahiga. hehe.

Madami akong gagawin tomorrow. Mag-major cleaning ako ng bahay.

Ingat tayong lahat!

Comments

Popular Posts