GROCERY SHOPPING DURING ECQ
11 days na pala akong hindi lumalabas ng bahay. Medyo mahaba na din ang listahan ko ng mga kailangan bilhin kaya nag-grocery shopping kami kanina. Bukod dun, may nabalitaan din kasi kami na baka hindi narin magiging accessible ang supermarkets at palengke for two weeks simula sa Monday. Totoo man or hindi, mas maganda ng mamili ng food na mag-last for weeks para hindi na rin tayo lumabas while may cases pa din ng COVID-19 sa bansa.
Di na kami naligo bago umalis kasi maliligo naman kami agad pag-uwi. Kumuha kami ng Home Quarantine Pass before mag-exit sa barangay namin. Parang ghost town ang paligid, wala masyadong sasakyan sa main road, halos wala ka ng makitang tao sa daan, at sarado ang mga establishments.
Only one person per household ang mamimili pero pwedeng magsama ng driver pag may sasakyan.
Our first stop was Tagaytay City Market para bumili ng meat, fish, gulay, etc. Bawal magpalinis ng isda at magpa-chop ng karne in the meantime.
Sa Primark naman kami namili ng natitirang mga items. Wala masyadong tao dito kaya halos walang pila sa labas.
Ang mura ng gasolina ngayon kaya hindi na namin pinaglapas ang pagkakataon. Ung 1k halos full tank na kami. Yehey!
Bago kami pumasok ng barangay namin, kinailangan muna i-disinfect ung mga gulong ng sasakyan.
Pagdating sa bahay, naligo kami agad tapos nilabhan ko din ung mga sinuot namin.
So eto na nga ang laman ng freezer. Medyo madami than usual kaya talagang wish ko na wag mag brownout. Tomorrow i-cut ko ung mga veggies tapos ilagay ko na din sila sa ziplock bags para ma-freeze ko na din sila.

For dinner, nagluto ako ng eggless tortang talong and tortang giniling with talong naman kay Cy. May leftover pork giniling kasi kami from last night kaya ayun.
Grabe, napagod talaga ako sa dami ng ginawa ko ngayong araw na to. Si Cy na nagligpit ng mga plato kanina.
Good night!


Comments
Post a Comment