FIESTA SA BAHAY 2020

First time ko paghandaan ang Fiesta kasi tumapat sya sa weekend kaya nakapunta family ko and some of our relatives sa bahay. Yehey! Mga in-laws ko talaga ang naghahanda tuwing Fiesta tapos tumutulong ako sa kanila during preparation and mismong Fiesta day. This year, halos hindi na ako lumabas ng bahay kasi busy din ako. 

Last Friday, naglinis ako ng buong bahay, nag-tupi ng mga damit, pumunta sa supermarket at palengke then gumawa ng potato croquettes pag-uwi. Nakakapagod pero masaya. :)

By 7 pm, inantok na ako kaya kahit may ganap sa labas, hindi na ako nakipag-mingle. Dumating din brother ko and my sister-in-law sa bahay around 12 midnight.

Gumising ako ng 5:30 AM kinabukasan. Naligo na ako agad para game na game na!

Good morning!

Naisip ko mag-serve ng mais. Ung nabili ko may husks pa... kaloka! Nag-effort pa ako magbalat. 

Anyways, I bought foil trays na maliliit kasi pag malaki ung lalagyan, nakaka-umay tignan ung dami ng food. Agree? 


Nag-timpla agad ako ng Cranberry Juice with sliced lemon and lemon water tapos tsaka nalang ung yelo kapag may mga tao na. Ni-ready ko na din agad ung mga plato, kutsara, tinidor, tsaka mga baso. 


Hinintay ko dumaan si Kuya Kenneth, ung naglalako ng mga isda, kasi umorder kami sa kanya ng seafood like mga hipon at tahong kaya lang nagtxt sya kay Cy na hindi pala sya makakapunta. Nag-panic ako ng slight. 

Around 8 AM, pumunta kami sa Tagaytay City Market para mamili ng seafood. Bumili ako ng 2 kilos na hipon at 3 kilos na tahong. 

Pagdating namin sa bahay, gumising na sina Martin (my brother) and Yen (Martin's wife). Naligo na din sila agad-agad! I asked Yen to arrange our grazing platter.

cheeses, dips, pretzel, bread sticks, grapes, crackers, raisins

Thanks so much, Yen!

Nilagay ko ung folding table as extension sa maliit na dining table namin. Gusto ko talaga ma-achieve ung long table sa Fiesta kasi nga gusto ko na sama-sama kami kakain (though kulang pa din ung chairs pero keri lang kasi halos lahat nagkasabay-sabay). Yung mga typical Fiesta food (menudo, pochero, etc) galing sa parents-in-law ko. Medyo na-sad lang ako na wala ung pina-order ko kay Cy na dalawang rellenong bangus. Huhu. 


Around noon dumating sina mama, papa, lola, cousins, at some relatives sa bahay. May dala silang suman at leche flan. Kainan na! :)


Yes, lola? :)

After lunch, naglaro kaming mag-pipinsan kasama sis-in-law ko ng Monopoly. Ang tagal namin nilaro kaya inabot na ako ng pagka-sabaw. Hehehe. Nung 5 PM nag-decide na kaming mag bilangan ng pera para matapos na. 



Yung mga "medyo" matatanda naman sa sala tumambay habang nanonood ng TV at kumakain ng gulay at prutas. :D


Bumili kami ni VJ ng mga laruan sa labas. Sina Cy, papa at tito Raymond naman nasa baba nag-vvideoke. Hindi ko na nakuhanan ng picture sina papa. Sayang! Minsan naiiinis ako sa sarili ko kapag nagbblog na ako tapos kulang pictures ko. Nakakahinayang.

Happy sya! :)

Yung mga teens talagang di nagpa awat sa paglalaro ng card games.


Kumain ulit kami bago sila umalis. Umuwi sa bahay nila sa Laguna sina Martin at Yen, tapos sina mama at papa naman nag-overnight sa Batangas. Ang saya ng Fiesta kasi mas madaming tao dahil weekend tapos maingay at madaming ganap sa labas. Yung iba sinabay na ang binyag ng mga anak nila sa handaan. 


Sa uulitin! :)


Comments

Popular Posts