2,000 PESOS
Anong mararating ng 2,000 pesos mo for a family of two? lol. Hindi to weekly budget. Usually, binibili ko ung mga kailangan without considering kung pang-ilang days sya. Basta pag wala na akong mahalungkat sa ref, dun na ulit ako namimili. Typically, magka-ibang araw ung pamimili ko ng food at ng mga toiletries/cleaning materials para sa bahay.
Dati kasama ko si Cy kapag grocery day pero eventually ako nalang mag-isa kasi lagi syang nagmamadali sa supermarket habang ako chill lang, tsaka kung san-san ako dumadaan like sa palengke at sa kung anu-anong shops. Mas challenging nga lang pag di kasama si Cy kasi limited ang budget ko. Pag kasama ko sya, nakaka-puslit pa ako ng ibang bagay bukod dun sa nasa listahan. Hehehe.
Anyhow, late na ako nakalabas ng bahay. Pinag-isipan ko pa ng husto kung itutuloy ko pa magpa-carwash kasi past 3 PM na tapos pupunta pa ako sa bilihan ko ng vegan breakfast sa Silang, baka wala na akong maabutan sa palengke pagbalik. Kaso nga ang dumi na ni Nogs (family car) at ayoko na lumabas sa weekend or next week para lang magpalinis ng sasakyan kaya tinuloy ko na.
May favorite carwash shop ako na malapit lang samin. Bukod sa interior and exterior, nag-suggest din sila na ipalinis na ung makina for additional P50 pesos, total was P220. Hindi kasama sa budget ko ang carwash. Ang pera na ginamit ko ay galing sa mga violations ni Cy sa bahay. P50/violation tulad ng pagpasok ng maling tsinelas sa loob ng bahay, kung san-san nilagay ang mga susi at barya, hindi pag-off ng ilaw sa kwarto paglabas, hindi sinampay ng maayos ang jacket, etc. HAHAHA.
![]() |
| At E.M Auto Care waiting area. |
Binigyan din ako ng loyalty stamp card kanina. Nice!

Natapos nilang linisin ung kotse almost 4:30 PM na. Hindi na ako pumuntang Silang, so dumiretso na ako sa Robinsons Supermarket. After ko mag-grocery, dumaan ako sa Starbucks kasi may P200 worth gift certificate ako na galing sa previous wedding na pinuntahan namin. I bought the Dark Mocha frappe, opted for soy milk (additional P20) and without whipped cream.

Last stop ko was Mahogany Market to buy bigas, veggies, tofu, and panutsa. P600 nalang ung natira sa pera ko at may kamahalan ang mga gulayin ngayon kaya hindi na ako nakabili ng fruits. T_T. Si Cy nalang bibili nun.
Ito ung mga nabili ko today worth P2,000.
Dahil meat eater si Cy at naubos na ung mga pang breakfast nya, namili na ulit ako ng mga hotdog, longaniza, and bacon. Sakin naman ung Fish Frankfurter by Fisherfarms. Tapos bumili na din ako ng pork and chicken for his sinigang, afritada, and pork chop. Kapag ganyan mga ulam ni Cy, may separate akong luto na puro patatas kapag afritada or adobo at puro gabi naman kapag sinigang.
I also bought pastry wrappers kasi gusto ko magluto ng turon (wala pala akong nabiling saging na saba)! Bumili din ako ng molo wrappers para i-fry and pair it with homemade hummus kaso may egg and butter pala ung molo wrappers na nabili ko. Hanap nalang ako ng iba or mag-stick nalang ako sa tortillas or pita bread.

Namili din ako ng tinapay and vegetarian noodles.

For my homemade hummus, I bought canned chickpeas and olive oil. I looove hummus!

Gusto ko din gumawa ng homemade veggie balls. Para syang fish balls pero gawa sa veggies. I needed All-Purpose flour (meron sa bahay pero baka kulangin), baking powder, carrots, and spring onions. For the sawsawan, bumili ako ng brown sugar kasi hindi ako sure kung bagay gamitin ang muscovado.
I also bought Crispy Fry Breading Mix though hindi ko sya gagamitin for fried chicken. Madalas ko sya gamitin sa mga vegan meat.
Yung Turmeric powder naman gagamitin ko for my tofu scramble since hindi na ako kumakain ng egg. I haven't tried it kaya I hope magustuhan ko sya. Meron din patis and tomato sauce for Cy's afritadang manok.

Ang hirap mamili ng medyo gutom kaya ayan, kung anu-anong junk food binili ko which is keri lang naman since wala ng laman ung snacks basket namin sa sala kundi SkyFlakes. Kapag naka luwag-luwag na tayo, mga nuts like almonds at pistachios ang ipapalit natin dyan. Hehehe. Healthy ang nuts!

Syempre di ko nakalimutang bilhin ang trash bags. Dalawang klase binibili ko: medium and large. Medium ung para sa basurahan sa balcony then Large na trash bag kapag hahakutin na lahat ng basurahan sa bahay. Hindi ako gumagamit ng trash bags sa mga bins sa loob ng CR kasi nililinis ko nalang sila kapag madumi, tapos sa kitchen naman, mga used paper bags ginagamit ko.

Nakabili din ako ng 5 kilos of bigas (P50/kilo).

Favorite namin ni Cy ang aking tofu sisig kaya always present yan sa listahan ko tuwing grocery day.

For the gulayin, I bought kangkong, saluyot, siling green, patola, tsaka ung isang klase ng gulay na hindi masyadong common pero masarap sa bulanglang.

I love taro and potatoes. Ung patatas talagang hindi mawawala sa grocery list ko kasi kahit adobong patatas lang masaya na ako! Yung gabi naman masarap ihalo sa mga gulay.

Mahilig din ako sa panutsa basta hindi ung glossy. Mas madaling kagatin ung matte na kulay ng sugar. Agree? :) Yung natirang P55, ibinili ko ng dalawang panutsa.

Kung pumunta pa ako sa vegan store in Silang, malamang hindi nag-kasya ang P2,000 na dala ko kaya baka next week pupuntahan ko sya. Yung fish naman at seafood bibilhin nalang namin kay Kuya Kenneth. Sya ung naglalako ng seafood dito pag umaga.
Curious ako kung magkano talaga nagagastos namin per month. Sakto, March na! Hmmmm....

Comments
Post a Comment