MOVIE DATE FAILED!

Plan ko pa naman sana mag-work ng buong Sunday. While writing my feedback for my 4th tutee, nag-aya si Cy manood ng movie (Avengers: Endgame) Dapat magme-merienda na ako nun kasi gutom na ako, pero nagbihis nalang ako agad at iniwan ng tinapay ang aking alagang aso. :D


At around 5 pm, on the way na ako sa Fora Mall. Mainit, gutom, pero keri lang. Babawi ako sa food sa sinehan. HAHA! Si Cy naman galing sa opisina nya at dun nalang kami mag-meet sa movie theater.

Waiting for the jeepney!!!

Buti nalang hindi masyadong mabigat ang traffic sa Tagaytay. Bandang Serin Mall nalang medyo nag slow down. Anyways, 5:50 PM ung next movie, at maaga ako ng 40 minutes. Nauna na si Cy para bumili ng tickets kaya lang halos sold out na. Ung seats na available magkahiwalay kami. Ung 9 pm pa ang pede, so wag nalang muna.


Dami tao! Dati halos walang napunta dito. 

At dahil dyan, nasayang ang punta ko. Gutom na nga, wala pang naabutan. T_T Tapos si Cy busog pa, so ako lang kakain ng mabigat sa tyan??? Nag-decide kami na mag-merienda nalang sa Robinsons Summit Ridge, then magluto nalang ako ng dinner pag-uwi (Sinigang na Tilapia sa Miso).

 
Papunta ng parking lot. Waley!

 
Gutom na talaga.

Sa wakas, nasa Summit Ridge na kami. Gusto ni Cy ng Halo-Halo from Razon's, ako naman ay Burger at Nachos sa Chum. (Nachos not available. Kalungkot!).


Buti magkatabi lang ang Razon's at Chum! 

Sarap ng halo-halo!

Bacon N Mushroom P155 (Masarap sya!) 

Next time nalang ulit. :D Tinatamad na tuloy ako mag-turo ngayong gabi. Hmp!

Comments

Popular Posts