SOBRANG ANTOK

Ang swerte swerte ko sa boyfriend ko talaga. Yung time na antok na antok na ako nung araw ng family outing nila (bale, more than 24 hours na akong gising galing pa ako work nun hehe), pinatulog nya ako sa kotse nya na bukas aircon para lang di ako mainitan, at komportable akong nakapahiga sa passenger seat. Sa pagkuha ng ilang gamit ko sa cottage table na di ko na makuha sa sobrang antok... sa lahat lahat!

Kinikilig din ako nung nakauwi na kami sa kanila tapos dumiretso ako agad sa kwarto nya para matulog.  Siguro mga after ilang oras (4 pm kase kami nakauwi sa kanila) ginising nya ako para mag-dinner tapos di ko alam kung babangon ba ako or wat. Sabi ko mga ilang oras pa kase sobrang antok ko pa din then mga 8 pm, ayun! Bumangon na ako tapos kumain na kami. Sarap magluto ng mama nya ng Tinola! Nanood kami ng tv hanggang mga 10 pm tapos tulugan na! :)

Kinabukasan (which is kanina) maaga akong nagising at maaga din kami umalis. Nag-breakfast muna sa Mushroom Burger. :)

Comments

Popular Posts