ILOCOS NORTE 2022: PART TWO
Days after we left, a 7.3 magnitude earthquake hit Abra affecting other provinces like Ilocos Norte and Ilocos Sur. Madaming structures ang nasira at mga attractions na kelangan munang isara. Kaya if you can afford, give tips a bit generously sa mga nasa tourism industry kasi hindi natin masabi ang panahon. Today may trabaho sila, baka bukas wala na ulit.
Anyways, ito ang mga ganap on our last two days in Ilocos Norte.
JULY 22
05:30 AM palang gising na ako. Sarap bumangon ng maaga pag nasa bakasyon tapos kakain ng almusal sa tahimik at maaliwalas na lugar.
Ang una naming pupuntahan is the Kapurpurawan Rock Formation in Burgos, Ilocos Norte.
![]() |
| to Kapurpurawan rock formation |
Almost 10:30 AM na kami nakarating sa jump-off ng Kapurpurwanan Rock Formation. Sinalubong kami ng kaliwa't kanang souvenir shops and food stalls.
Kung may balak kayong pumunta dito agahan nyo nalang lalo na kung summer. Sa tindi ng init halos lahat kami bumili ng sumbrero.
![]() |
| dito ang daan kapag naglakad kayo |
You can either walk or ride a horse for 100 pesos back and forth sa rock formation. Yung iba samin sumakay ng kabayo while kami naman ni Cy with my parents-in-law naglakad nalang papunta sa main attraction. Mainit ang panahon pero nakakaaliw naman ang paligid.
![]() |
| si Ina at ako |
Kung hindi sapat ang takip sa ulo may mahihiraman ka namang mga payong sa daan habang naglalakad ka. You just have to give any amount as donation pagbalik.
After ilang minuto na-reach na namin ang famous Kapurpurawan Rock Formation in Ilocos Norte.
![]() |
| masakit sa balat ang init pero amazing ang view! |
![]() |
| ang puti... ng mga bato |
Alam nyo ba na ang 'puraw' sa salitang Kapurpurawan ay 'white' or 'puti' in Ilocano? Now we know. Kami ni Cy nawala na ang puraw sa katawan. Char!
These rocks are actually limestones kaya tinatawag din syang Kapurpurawan Limestone Formation.
Ganda na sana ng lugar kaya lang may mga ilang kalat akong nakita dito. Mahirap bang maging responsableng nilalang na hindi nag iiwan ng kalat?! Kakainis ha. Dapat talaga may penalty din sa mga mahuhuling nagtatapon ng basura kung san-san.
![]() |
| buko juice muna! |
After ilang minuto naglakad na kami pabalik tapos nag stopover sa bilihan ng buko juice para magpahinga at rehydrate. Grabe pinagpawisan ako ng malala!
Before we left namili na din kami ng mga ref magnets.
Time to eat lunch!
![]() |
| Venice Restaurant, Bangui, Ilocos Norte |
Nagtanghalian kami in one of the restaurants along the stretch of the Bangui Wind Farm. These gigantic windmills never fail to amaze me. If tama ang research ko, 20 windmills ang nakatayo sa kahabaan ng Bangui Wind Farm.
![]() |
| moist and crispy bagnet |
After lunch pumunta na kami malapit sa dagat to take pictures with a row of windmills in the background.
A kid approched us para kuhanan kami ng picture. At first humindi ako kasi tapos na din kami. Sabi ko bibigyan ko nalang sya ng bente pero naalala ko na wala pala kaming photo ni Cy together kaya nagpakuha narin kami sa kanya. I gave him 100 pesos as tip para makauwi na sya. Medyo matumal din kasi mga tourists sa area na pinuntahan namin.
![]() |
| Pagudpud Welcome Arch |
![]() |
| Patapat Viaduct |
Twice na akong nakarating ng Ilocos Norte pero hanggang Patapat Viaduct lang ako. Sana sa susunod makapag North loop naman kami. (Cy, beke nemen gusto mong ipasyal si Cloud kasama ako. haha!)
Merienda naman next sa may Blue Lagoon!
![]() |
| Ikani Surf Resort |
We were supposed to eat merienda at Rosario's Restaurant na nadadaanan papuntang Blue Lagoon (katabi to ng Bantay Abot Cave) pero pagdating namin sarado sya. Since we already paid 20 pesos each sa entrance ng daan dito, nag drive pa si Cy papasok para tignan if may makainan kami kahit halo-halo man lang. We also saw a signage ng "Zephyr Cafe" kaya hinanap muna namin bago mawalan ng pag-asa at mag-exit.
We drove by abandoned buildings and cottages. Medyo creepy ang dating sa mother-in-law ko kaya gusto na sana nyang bumalik. Haha! Buti nalang hindi nagpatinag si Cy until we reached this new surf resort in Blue Lagoon called Ikani Pagudpud. Nasa loob pala nila ang Zephyr Cafe.
![]() |
| Zephyr Cafe |
The staff also made us feel welcome kaya we did not hesitate to stay for a bit para kumain.
The cafe serves Pinoy food, pizza, pasta and drinks like coffee!!!
![]() |
| me! |
Ang sarap dito: the ambiance, the food, the view, the secludedness. The shore is different from Saud Beach pero if you're after relaxation habang naririnig ung pag crash ng waves, go ka na dito!
![]() |
| seafood aglio olio |
The pizza was so good! Yung crust and cheese panalo, halatang pugon-baked. Feeling ko makakaubos ako ng isang buong pizza nila if given a chance. lol. Kung ganitong kasarap ang pagkain dito hindi ka na lalabas para maghanap ng iba.
The seafood aglio olio masarap din. Not sure if octopus or squid ung toppings pero plump ung meat, fresh yarn.
![]() |
| Cy and his chocolate crinkles |
I bought chocolate crinkles for dessert just to check kung legit na moist at chocolatey sya. lol. And yes, moist and chocolatey nga! Not bad for 40 pesos each.
Although nage-enjoy ako sa ambiance and food, I kept looking sa relo ko to check the time. I needed to be back sa Sabrina before lumubog ang araw! Gusto ko ng sulitin ang huling sunset ko sa Saud Beach.
Thank goodness nakabalik kami agad.
![]() |
| picture muna bago magbabad sa tubig |
We'll check out early tomorrow kaya pagdating namin sa Sabrina nagbihis agad ako ng pang swimming. I wanted to spend the rest of my afternoon sa dagat. Sakto maalon na that time. Saya saya!
Nag-rent ako ng classic Pinoy salbabida for 100 pesos na eventually ung mga bata ang gumamit. FYI, hindi ko inaagaw ung floater kina CJ and Zed ha, pinapaayos ko sila ng pwesto. Hehehe.
![]() |
| me and the kids |
O diba sa sobrang saya nila hindi nila ako pinapansin. T_T
![]() |
| ang liwanag pa din kahit almost 7 PM na |
Ganito dito: maglalakad ka ng kaunti papunta at pabalik sa dagat. Para sakin it's one of my best and happiest experiences that I will cherish forever.
![]() |
| grilled squid |
Nag seafood kami sa huling gabi namin in Sabrina then hot milo again bago matulog.
May usapan kami na kung sino man ang ma-late sa pag-alis tomorrow by 9 AM manlilibre ng empanada sa Vigan.
JULY 23
![]() |
| Good morning! |
5:30 AM palang gising na ulit ako. Took a bath, nagbihis at nagligpit ng mga gamit namin. At 6:45 kumakain na ako ng almusal.
Ilang minuto lang lumipas kasabay ko ng kumain lahat, nakabihis na din sila. Walang gustong manlibre ng empanada. Haha!
By 9 AM nakaalis na kami papuntang Sand Dunes. Till next time, Sabrina!
![]() |
| Suba Sand Dunes |
Ang usapan sa La Paz Sand Dunes kami pupunta pero Cy went to Suba Sand Dunes instead. Well, wala na akong magagawa.
Anyways, eto ung activity na hindi daw namin dapat ma-miss in Ilocos. Wala ng atrasan to. Each 4x4 jeep that can accommodate 4-5 persons costs 2,500 pesos. Di ka makakapili ng kulay kasi may pila ung mga 4x4 jeep.
![]() |
| excited na kami! |
They took us to this endless stretch of sand towards the blue waters of Suba Beach. Babad na naman kami sa initan! I'm not complaining, just telling the truth para prepared kayo.
Our driver (I forgot his name hala) parang Kuya JR ata, he was nice the entire trip. Sinasabihan nya kami kapag malapit na kami sa mga slopes. He also took countless pictures and videos.
It's not entirely 4x4 ride. Madaming stopovers for picture taking and of course sandboarding!!!
![]() |
| sumunod ako kay Cy |
Ang saya mag sandboarding!!! Nakakapaso lang sa paa ung pabalik sa taas kasi maling sapatos ang naisuot ko. Dapat closed shoes o kaya nagdala ako ng medyas. Waaaa!
Once ko lang ginawa tapos pahinga na habang hinihintay ang iba matapos.
![]() |
| halo-halo time |
After our intense (intense talaga!?) activity nagpalit na akong damit at kumain ng halo-halo. The perfect ending to our 4x4 journey.
Bago dumiretso ng Vigan dumaan muna kami sa Malacañang of the North.
![]() |
| lovers :) |
The Malacañang of the North is located in Brgy. Suba, Paoay, Ilocos Norte. Ito ang naging tahanan ni Ferdinand Marcos and his family noong sya ang presidente ng bansa. Ngayon, isa na syang museum overlooking the Paoay Lake.
![]() |
| the entrance |
![]() |
| sarap pagmasdan ng Paoay Lake |
![]() |
| a painting of Paoay Church |
Kumain kami ng empanada at nag buko juice sa labas ng Malacañang of the North before finally heading to Vigan.
Madami pang lugar sa Ilocos Norte ang hindi pa namin napupuntahan kaya hopefully makabalik kami dito. :)



































Comments
Post a Comment