CASITA UPDATE + BREW & BAKES CAFE
Maulan ngayong Tuesday dito sa Tagaytay kahit sa may Northern Luzon dumaan si Bagyong Maring. Ang tindi ng baha sa Cagayan, La Union at Ilocos Sur, pati mga strawberry farms sa La Trinidad in Benguet lubog sa baha. Hindi lang pandemic ang kalaban ngayon kundi pati mga extreme calamaties. Hay.
Anyhow, pumunta kaming Wilcon ni Cy para bumili ng mga wall lights sa Casitas.

Medyo malaki na nagagastos sa pagpapagawa ng casitas kaya kelangan iconsider yung price ng mga bagay na bibilhin pa sa final stages ng construction.
May mga fixtures na mas maganda sana pero ang mahal kaya kelangan ng kaunting compromise, basta aesthetically pleasing parin at minimalist. May ganon?! Hehehe
Gusto ko sanang pumunta sa ibang stores para tumingin pa ng ibang ilaw pero ayaw na ni Cy.
Fine.

Masarap ang pagkain nila at maayos din ang service. May free sabaw pa ng bulalo.

Nung nanghingi ako ng sauce para sa lumpia napansin ko ung maliit na basket na may lamang mga earrings malapit sa cashier. Sabi ng owner gawa daw un ng pamangkin nya. Ang ganda ng mga designs kaya napabili talaga ako. Sakto kelangan ko ng dangle earrings para sa mga maxi dress ko. Hehehe.

Kahit maulan gusto ko pa din ng frappe. Wahaha! Malapit lang ung Brew & Bakes sa Sis Em's kaya doon kami bumili. Bago lang ung cafe nila, ang cute cute!!! Madami din silang cakes at may mga muffins at Korean cream cheese buns.

I love their dark mocha frappe! Usually kasi sa mga nabibilhan ko may mga buo buong yelo. Kahit maliliit na tipak lang un nakaka annoy kaya. Ung frappe nila very smooth at masarap. Okay din ung whipped cream, neutral ang flavor.
Cy liked the hot mocha latte. Maiinom mo din sya agad kasi perfect ung temp, hindi super duper init.
Malapit lang sila sa office ni Cy kaya for sure mapapadalas ako sa cafe nila. Hihi.

Dinala na namin ung mga nabili naming wall lights sa Casitas. Tumambay kami dito hanggang gabi para makita namin ung itsura ng mga ilaw kapag madilim na.
Dumating na din ung 10-seater dining table and isang wooden l-shape sofa para sa balcony. Papakita ko sa blog kapag nalagyan na ng wood stain.

Nakabili din kami ng malalaking jars for coffee and sugar. The tea jar was unplanned. Mapipilitan tuloy akong bumili ng loose leaf tea na tingin ko okay din para pag merienda un nalang inumin ko instead of another cup of coffee.

Naikabit na ung wall lights bago kami umuwi. Iba talaga ang aura ng warm white sa gabi, very cozy and soothing.
Bago mag Christmas tapos na ang casitas. Ang plano namin is mag stay dito kapag sunod-sunod ang events sa venue, pero mukhang mapapadalas kami dito kahit hindi busy si Cy. We'll see.
Excited na akong ayusan ung bedroom namin. The colors will be gray, peach, and brown.
Yun lang! :)
Comments
Post a Comment