TOOTH EXTRACTION (PART TWO - SA WAKAS!!!)
Actually, part 3 dapat to eh. lol.
Last Tuesday sana ako bubunutan ng ngipin kaso may kaunting sakit pa din. Ibang dentist na ung nag-check sakin, then sabi nya gusto nya totally painless ang procedure kaya kelangan ko daw muna uminom ng mefenamic acid.
I went home and came back after two days.
Medyo na stress ako kasi baka kahit anong gawin ko talagang masakit ang bunot sakin. Ayoko ng pain!
Thursday came. 10 AM schedule ko.
Ito na. Iniisip ko na kung push pa rin ba kahit may kaunting sakit or ano kaya ipapayo ni doc na gawin ko if ever di ulit matuloy.
Gusto ko na talagang mabunot ung ngipin ko para hindi na hassle pag kumakain.
Pag upo ko sa dental chair nakaramdam na ulit ako ng kaba lalo na nung nakita ko ung mga gamit. Waaa! Tuturukan na naman ako ng ilang beses.
By the way, tawagin nalang natin si doc na Doc J. Hehehe.
She tapped my tooth... wala ng sakit! Tuloy na ang pagbunot sa ngipin ko.
In fairness naman kay Doc J, magaling ung strategy nya. Hehe. Akala ko di pa sya tapos maglagay ng numbing cream sa gums ko then sabi nya "hingang malalim" tapos biglang turok nung unang shot ng anesthesia. Magaan ung kamay nya, halos painless lahat ng injection. Yahoo!
She waited for few minutes para mag take effect ung anesthesia then inumpisahan na nyang galawin ung ngipin ko.
Though walang sakit, natakot ako nung narinig ko ung pag "crack" ng ngipin ko. Naririnig ko talaga sya. Haha! Sabi ni Doc J normal daw un wag daw akong magpanic.
Syempre nag overthink na naman ako na baka pag bubunutin na biglang sasakit pero un pala habang iniisip ko sya tapos na!!! Hindi ko naramdaman ung pag "pull" mismo.
Finally!!! Natapos na din ung matagal ko ng kinakatakutang gawin. Nabunutan na ako ng ngipin!
Ang saya saya ko talaga paglabas ng clinic. Mission accomplished!!!!

Pwede daw ako uminom ng milk tea basta walang pearls at di ko gagamitan ng straw.
As usual, sa Chatime kami bumili.
So happy! 😁
Good night! :)

Comments
Post a Comment