TOOTH EXTRACTION (PART ONE - DAMING TINUROK PERO HINDI NATULOY)
Malakas ba loob nyo pumunta sa dental clinic? Dati hindi naman ako takot lalo na kung simpleng cleaning lang or pasta sa butas na ngipin, pero lately kinakabahan ako. Haha!
Two years ago kasi nag-crack ung pasta ko sa isang ngipin sa bagang. Ewan ko ba bakit hindi man lang ako pumunta sa dental clinic para ipaayos agad yun. Kaka-next time ko inabutan na ng pandemic hanggang sa ung pasta ko sa ngipin na un nawala na talaga, at medyo masakit na sya kapag nakakalikot ng toothpick. Natakot na tuloy ako lalong pumunta sa dental clinic kasi diba ung pang linis nila may hangin. Parang di ko ata kakayanin ang sakit pag ginamit un sa butas ng ngipin ko. Huhu.
At dahil nga natatakot ako, hinayaan ko nalang sya kahit nakaka-stress na ung every kain ko eh kelangan ko sungkitin sa butas ung mga naiipit na kung anu-anong pagkain. Kahit hindi un ung side na gamit ko pang chew, napupunta pa din dun ung mga kinakain ko.
A few days ago nagsimula na syang sumakit when I bite down. It's not a good sign. It could mean na may infection na sa ngipin kaya I decided to schedule a visit sa isang dental clinic in Silang.
Kelangan ko lakasan ang loob ko. Waaaaaa!
At around 11 AM nasa dental clinic na ako. I was told na mas okay if lagyan nalang ng pasta ung ngipin ko but I insisted na tanggalin na sya. After ako lagyan ng numbing cream sa gums tinusok na ako ng karayom for my anesthesia. Madami-dami un ha. Fearless yarn!?
Kaso... nung makailang check kung wala ng pain during the procedure, nakaramdam naman ako ng sakit. The dentist told me na mukhang abcess nga yung cause ng pananakit ng ngipin ko a few days ago at hindi effective ang anesthesia sa ibang area kapag ganun. She advised me to take antibiotics for 5 days muna bago mag tooth extraction.

Medyo masakit ung gums ko buong araw dahil sa mga tusok ng karayom kaya napilitan na din ako uminom ng pain reliever. Sana bukas makakain na ako ng maayos.
Next Tuesday ako babalik sa dental clinic. Hopefully wala ng sakit at mabunot na talaga ung ngipin ko.
Good night! :)
Comments
Post a Comment