LUCBAN, QUEZON 2021: PART ONE
We spent two nights in Quezon with some of the amigas and amigos of my in-laws to celebrate Father's Day. Buti nalang may mga bukas na resorts and hotels doon na pwede ang bata at allowed ang pets. Yun nga lang, Cy and I stayed in Lucban habang sila naman nag-overnight in Tayabas. Nasa Lucban kasi ung resort na pwedeng mag check-in kasama ang aso namin.



















Anyways, this was our first day. :)

We left Tagaytay at around 6 AM. Since sa ibang resort kami mag-stay ni Cy, hiwalay kami ng sasakyan. Wala naman kaming nadaanan na checkpoints papuntang Quezon kaya tuloy-tuloy lang ang biyahe.

Our stopover: Kamayan sa Palaisdaan kung nasaan ang airplane ng Air Summit Gourmet! Hindi lang sya basta display, you can actually eat onboard the plane! They serve international and local dishes na mala fine dining ang peg.

Talagang nagpalit pa si CJ and Zed ng outfits na pang piloto para sa quick pictorial nila before kami mag lunch. Ang cuuuute! Pareho daw nila kasi gustong maging piloto.
Dahil kasama namin si Roti, hindi kami sumama sa kanila mag-lunch sa loob ng Air Summit Gourmet. Pwede naman daw sana syang iwan sa may lounge kaya lang mahilig nga tumahol si Roti sa mga strangers kaya doon nalang kami sa floating restaurant.

We ordered sinampalukang manok, inihaw na liempo at talong. Buti nalang pala maaga kami dumating kasi after an hour sunod-sunod na ang pasok ng mga customers. Halos lahat ng tables occupied na.

Bukod sa mga floating balsa, meron din silang mga "fish spa" dining areas kung saan nakababad ung paa mo sa tubig kasama ang mga isdang tilapia at Koi. Meron naman silang mga gripo dedicated sa foot bath para makapaglinis ka after.

Ang hinanap ko talaga dito ung Pilipit! Gawa sya sa kalabasa and rice flour tapos may caramelized sugar sa ibabaw. Pagpasok namin wala pa nito eh, tapos sakto after namin kumain ni Cy, nakita ko sya malapit sa entrance nakalagay sa malaking bilao. Talagang pumila agad ako para makabili nito. 10 pesos isa. Ang sarap!

Bago maghiwa-hiwalay, family picture muna. Doon sila nag-stay sa Nawawalang Paraiso in Tayabas tapos kami naman sa may Batis Aramin Resort and Hotel in Lucban.

It took us more or less 10 minutes papuntang Batis Aramin. Halos katapat lang sya ng Kamay ni Hesus Healing Church.
We were required to bring our health certificates para makapag overnight dito. If you'll be bringing a kid, dapat meron silang negative COVID-19 RT-PCR test result. If wala, allowed lang sila during the day tour.
Pwedeng pwede magdala ng aso dito. :)

Mapapansin mo sa front desk nila ung malaking map ng resort. Isa na ata ito sa mga lugar na dapat mong bisitahin in Lucban dahil madami silang attractions sa loob.

Maaga kaming dumating kahit 1:30 PM pa ang earliest check-in time nila kaya tumambay muna kami sa kanilang Pool Cafe. Meron silang mga frappe like Choco Java Chips for 155 pesos. Yung cafe nila overlooking the swimming pools. Kitang kita ung mga nag-iihaw. Hehehe.

Sa mga napanood kong vlog mukhang luma ung resort pero sa personal naman hindi. Para syang may particular theme na hindi ko mawari kung ano. Feeling ko nasa Baguio ako, ganern. We stayed here sa Pretty Paw.

Yung room namin may pagka-attic feels. May vibe sya na magaan sa pakiramdam na para bang magbabakasyon ka dito ng matagal. Maingay lang ung air conditioner nila pero overall maayos.
We paid 2,750 pesos for 2 pax + the mandatory 500 pesos food voucher na consumable sa restaurant nila. They did not require a security deposit kahit may aso kaming kasama.

Gusto ko ung room na napunta samin kasi malawak ung balcony! Ang presko ng paligid, napapalibutan ka ng mga puno at damuhan.

Aside from the usual toiletries meron din syang kasamang sanitary kits na may lamang masks and alcohol. They also provide a separate bag for used face masks and one plastic bag para siguro sa mga basang damit upon checkout.

Nag-siesta muna kami bago mag-swimming. Si Roti mahilig talaga syang matulog na may unan at madalas katabi namin. Para na din syang tao matulog. Nilagyan ko sya ng diaper para maiwasan ang "accidents".

Around 4 PM kami pumunta sa pool. Pwedeng mag swimming until 12 midnight pero parang di keri ng katawang lupa ko ang lamig ng tubig!
Ang nagustuhan ko dito ung river pool nila na napapaligiran ng mga halaman at puno. Tapos ung katabi nya is batis na malinaw ang tubig, kitang kita mo ang ilalim! Ang sarap tumambay dito, at maganda magpa-picture!

We used our food voucher for dinner tapos nag add din kami ng Pancit Lucban na bongga ang serving! Ito ung tinatawag din nilang Pancit Habhab na kelangan mong lagyan ng suka para mas lalong sumarap.

After dinner tumambay kami sa balcony habang nagkakape. Nakakamiss ung ganitong eksena na alam mong bukas pag gising nyo nasa resort pa din kayo. I'm thankful that despite the pandemic may ganito parin na pagkakataon.

Kwento ko ung part two sa susunod. Antok na talaga ako. Good night! :)
Comments
Post a Comment