ANG BAGONG SALAMIN

3 days ago nasira ng aso ko ung salamin ko sa mata. Medyo matagal na din un at marami ng scratches kaya mukhang okay na din ung nangyari. Salamat, Roti! Hehe. I've been wearing clear contact lenses habang wala pa akong nabibiling bago. Napaka-clear ng nakikita ko, walang nakaharang na mga guhit ng gasgas sa dati kong salamin kaya lang hindi ko sya keri isuot ng buong araw. Mga bandang hapon medyo ramdam ko na ung dryness kahit magpatak ako ng solution sa mata at hindi sya maganda sa pakiramdam. Para akong inaantok kahit ayaw ko pa matulog. Kapag naman tinanggal ko sya, nahihilo ako. Kelangan ko na talaga ng bagong salamin sa mata.


Kanina pumunta ako sa office ni Cy para maghatid ng cake dahil birthday ni Ate Che. Tapos around 4 PM na ako nakarating sa Ayala Malls Serin. Medyo tinatamad na ako nyan kasi hapon na. Hindi na ako sanay na abutan ng ganitong oras sa mall dahil nasanay ako sa curfew before na 6 PM. lol. 

Anyways, sinabi ko nalang sa sarili ko na kelangan ko na talagang makabili ng bagong glasses or else, tuyo na naman mata ko maya maya tapos tatanggalin ko agad contact lenses ko kahit madami pa akong gagawin sa bahay then mahihilo lang ako. Push na.



Pag pasok ko sa EO, dun ko na-realize na hindi nga pala ako basta nalang makakabili. Pipili pa ako ng salamin na bagay sakin!!! Buti nalang at 7 PM pa sila magsasara kaya hindi ko kelangan magmadali. Helpful naman ung isang staff nila na nag-assist sakin kahit medyo napressure ako sa presence nya. Ang ginawa ko, I took selfies ng nakasalamin tapos doon ako nag-compare at pumili. 


Dapat mag-grocery muna ako while waiting sa salamin ko kaso na budol ako kaya naubos ung budget. Waaaa! Mura ung eyeglass package nila pero nag upgrade ako ng lenses. I opted for polycarbonate kaya doble na ung price tapos bumili din ako ng Prosben lens cleaner with wiper and screwdriver. E di ayun. Buti nalang may natira pa pambili ng milk tea. HAHA. Sa Serenitea muna ako tumambay while waiting. 20 minutes lang naman ako naghintay. 


Finally, may bago na akong salamin! Hindi ko na ulit kelangang magsuot ng contact lenses unless may swimming. Anyways, minsan may mga biglaang gastos talaga tayo no, tulad nyan, biglang nasira ung eyeglass ko. 


Hay... sarap sa mata. :)


Comments