MAGALING NA SI CY
Hay salamat magaling na si Cy. Wala na syang lagnat at hindi naman sya nagkaron ng cough pero may kaunting headache from time to time. Nung first 2 days laging mataas ang body temperature nya tapos wala syang ganang kumain.

I've been busy cooking and cleaning the house, then nung halos wala ng lagnat si Cy at hindi na sya sweaty sa gabi, nilabhan ko agad ung mga bed sheets para freshness. Sarap lalo matulog sa gabi tapos panay pa ang ulan.

I'm so glad that Cy's doing okay na. Bumalik na ung energy nya at pangungulit. Nauutusan ko na din syang magbaba ng mga food scraps para ipakain sa mga aspin sa kalye.
Anyhow, hindi ako masyadong productive today. Gusto ko nalang humiga buong araw at mag-cellphone. lol. Nahirapan kasi kami ni Cy matulog kagabi dahil uminom kami ng homemade milk tea ko tapos nag-instant coffee pa ako bandang hapon.
So today nagluto lang ako ng breakfast and pork adobo for dinner tapos nagligpit ng mga hugasin. Pinilit ko na din linisin ung balcony ng aso namin. Bukas ko na sana gagawin kaya lang kinalat nya yung poop nya kaya na-bother ako. lol. I love our dog.
Hay ang sarap humiga. Good night! :)
Comments
Post a Comment