MGA GANAP LAST WEEK


SUNDAY

Bibili sana kami ng custard mamon sa bakery kaya lang out of stock kaya dumaan nalang kami sa isang Korean grocery store. Bumili ako ng Ssamjang, kimchi and yellow pickled radish. 

Inabutan kami ng ulan pauwi.


Ang sarap nung kimchi na nabili ko kasi very generous sa sauce. Habang sinusulat ko to, ubos na sya.  


Naalala ko na may two packs of crushed Graham pa pala ako and coconut jam kaya naisipan kong gumawa ng Graham balls that night. Try nyo, masarap! Ubos na din to.



MONDAY

Grocery day! After breakfast, nilista ko na sa papel ung mga kelangan kong bilhin.


As usual, nag-drive thru kami sa McDo tapos sa parking lot kami kumain bago ako mag-grocery. Alanganing oras na kasi kami umalis kayo inabutan ng gutom. Hehehe.



TUESDAY

Maaga na ulit ako nagigising kasi namiss ko na mag-bisikleta tsaka dapat talaga maaga ako bumabangon araw-araw para mas productive ako.


Before kami mag-bike kumakain muna ako ng chocolate flavored instant oatmeal kasi ayokong umuwi ng gutom.



After namin mag-bike, I drink kapeng barako and read a self-help book called Don't Sweat the Small Stuff by Richard Carlson (He died in 2006). Highly recommended!


For merienda, I cooked Spanish Sardines pasta. 



WEDNESDAY

Gumawa ako ng yema cake! Ang daming kelangan gawin pero keri lang. Hindi ko bet ung recipe na ginaya ko, so next time iba naman.



THURSDAY

It's been raining for days. Pinag-tripan ko si Oreo using Snow camera app. Haha!




FRIDAY

Pumunta kami sa Carmona para bumili ng mga bike accessories. Nakabili si Cy ng mga bagong gulong for Smurf and pang-busina. 


Inabot ulit kami ng gutom sa daan kaya nag-drive thru kami sa KFC then sa sasakyan ulit kumain.


Nag-crave ako sa pichi-pichi kaya dumaan kami sa Don Benito's in Dasmarinas. 


Pag-uwi namin, umalis ulit si Cy para pumunta sa bike shop at palitan ang mga gulong ni Smurf. Excited? 


HAPPY WEEKEND!

Comments