HUSBAND'S 33RD BIRTHDAY
Cy celebrated his birthday today. Last year nag-bake ako ng brownies then I surprised him at 12 midnight. This time hindi ko na binalak na i-surprise sya kasi halos araw-araw na kaming magkasama sa bahay tsaka kasama ko syang pumunta sa supermarket kahapon.
Tapos naisip ko the night before his birthday, kung gawin kaya naming yearly tradition ung may pa-cake at pa-kandila pagpatak ng 12 midnight. Hmmmm.
Kahit hindi na surprise.
So ginamit ko nalang ung crunchy mamon na binili ko kasi walang wala talaga besh. Buti nalang may nakatago akong sparkling candles. At buti nalang din nakabili ako ng isang balot ng Yakult kaya may gift ako. HAHA.
Natuwa naman sya. ᕕ( ᐛ )ᕗ
Anyhow, ang aga ko bumangon kasi madaming ganap today. Tinulungan ako ni Ina mag-tuhog ng mga pang-bbq at kung anu-ano habang nanonood sya ng Kdrama.
Yung mga boys naman ang nag-ihaw.
By 3 pm, kainan na!



Happy birthday, papi! :)
Linisan galore tomorrow.
Comments
Post a Comment