THROWBACK: HIKING MOUNT PINATUBO WITH MAMA AND PAPA


DATE: APRIL 03, 2016

Na-convince ko sina mama at papa na sumama sa day trip namin ni Cy to Mount Pinatubo.

We left early sa Makati papuntang Capas, Tarlac. Madilim pa when we arrived at the jumping-off point. Upon registration, kinailangan muna i-check ang BP ng mga "oldies" like my parents. lol. Buti nalang at pumasa sila kaya sama-sama kaming nag-enjoy sa day tour. Nakabili din kami ng bamboo poles to make our trek easier. 


We rode an open-top 4x4 tapos dumaan kami sa malawak na desert-like valleys while the sun rises.


It was quite a long journey bago kami tumigil for a quick stopover.  After nun, we traversed the awe-inspiring lahar canyons where  it got even more exciting. Para kaming napadpad sa ibang planeta. The landscapes were truly majestic!


After our adventurous ride, kinailangan na naming maglakad going to the main crater. Di ko na maalala kung gaano kaming katagal nag-trek pero matagal din kaming naglakad though hindi naman ako nakaramdam ng pagod. At sina mama at papa mas malakas pa ang stamina sakin. Walang bakas ng pagod sa buong tour namin.




Finally, nakarating kami sa spot overlooking the main crater. Nakakamangha ang Mount Pinatubo. It is indeed a beautiful disaster. I hope everyone sees Mount Pinatubo in real life and I'm very happy and thankful that I was able to bring my parents here.


After ng short picture taking, bumaba na kami to the main crater. Masarap bumaba pero grabe ung pagod ko pag-akyat. Naloka ung puso at mga hita ko!


Nag-stay kami for quite a bit para kumain ng mga baon naming lunch. Papa cooked adobong baboy before we left home kaya ang sarap ng lunch namin.



Hindi talaga ako maka-get over sa ganda ng mga paligid.

It was an unforgettable trip! Napaka-ganda ng Mount Pinatubo at nakaka-amaze ung mga landscapes na na-form after its eruption.


Comments