EXTENDED ANG ECQ

ECQ DAY 39

Pag-gising ko kanina hinanap ko agad ung balita sa news feed ko at un na nga, extended ang enhanced community quarantine until May 15 for high-risk areas like Cavite. Nagkaron na tuloy ng hashtag #ECQSeason3 kasi pangatlong beses na-extend ang community quarantine. Sulitin na natin ang time na to with our loved ones bago tayo bumalik sa normal na buhay na hindi ko sure kung kelan mangyayari. 


Last night, nanood kami ni Cy ng movie on Netflix... with wine and popcorn. Naubos namin ung isang bote! Dati ayoko ng lasa ng red wine, pero sabi nga nila it's an acquired taste. 

An acquired taste is an appreciation for something unlikely to be enjoyed by a person who has not had substantial exposure to it. 

Nag-explain talaga eh no.


Anyways, late na ako bumangon kanina. Gumawa muna ako ng egg salad sandwich (eating eggs na ulit) para may kinakain ako habang nagluluto ng ginisang munggo at paksiw na bangus kasi nagugutom na talaga ako. Mas masarap ung sandwich kapag medyo toasted ang tinapay.


Nakapag-harvest din ako ng ilang dahon ng spinach. Sana lumaki sila sa paso para palagi akong may supply ng dahon.




Happy Friday! :)

Comments